Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eleazar: Mananagot may sala sa prusisyon ng Nazareno

0 49

Tinututukan na ng Manila Police District (MPD) ang nangyaring prusisyon para sa Poong Itim na Nazareno nitong Lunes sa kabila ng pagbabawal sa mass gathering.

Ayon kay Joint Task Force Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, sa oras na mapatunayang may sala ang mga nagsagawa ng naturang prusisyon ay kakasuhan ang mga ito. “Kung makakakuha ng sapat na ebidensya depende sa resulta ng investigation pwede file-an ng kaso ‘yung mananagot,” aniya sa isang panayam sa radyo.

Ginawa umano ng ilang deboto ang prusisyon para humiling ng tulong sa nangyayaring pandemic. Ito’y kahit pa mahigpit na pinagbabawal ang mass gathering, at limitadong bilang lang din ng tao ang pinapayagan sa mga religious activity.

“While it is true na maganda ‘yung intention at nabanggit na nilagay sa karosa para iikot na lang pero ang nangyari siyempre kapag nilabas, magsusunuran ‘yan,” saad pa ni Eleazar. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.