Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eleazar pinatugis killer ng media exec

0 341

Ipinag-utos kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Lorenzo Eleazar ang masusing imbestigasyon at malawakang manhunt operation sa agarang pagdakip sa naganap na pamamaslang sa babaeng executive ng media network Brigada Group of Companies noong Hunyo 4 sa General Santos City.

“Mariin po nating kinokondena ang insidenteng ito. I have directed the local police to thoroughly investigate this killing and launch manhunt operations against the perpetrators of this crime,” pahayag sa inilabas na statement ni Eleazar kahapon.

Matatandaang ang biktimang si Yentez Quintoy, 34, executive director at chief of staff ng

Brigada Group of Companies ay binaril at napatay ng motorcycle riding in tandem sa may NLSA road sa Purok Masunurin, Barangay San Isidro, General Santos City noong Hunyo 4.

Binaril ang biktima ng malapitan habang lulan ng kanyang kotse at pauwi na sana ng bahay nang maganap ang pananambang.

Siniguro ni Eleazar na lahat ng anggulo ay kanilang titignan sa gagawing imbestigasyon hinggil sa kaso ng pagpatay.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang koordinasyon ng local na pulisya sa pamilya at mga katrabaho ng biktima bilang parte ng imbestigasyon. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.