Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eleazar: PNP `di sasantuhin mga narco-politiko

0 50

Nagbabala kahapon si Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar sa mga kandidato sa 2022 elections laban sa pakikipag-alyansa umano sa mga sindikato ng droga para lang matiyak ang kanilang panalo.

Sinabi ito ni Eleazar sa likod na rin ng posibilidad na gumalaw ang mga drug syndicate na posibleng magbigay ng pondo sa mga kandidato kapalit ng proteksiyon sa kanila kapag nanalo.

Ginawa nitong halimbawa ang kaso ng isang alkalde sa lalawigan ng Quezon na inaresto noong 2001 dahil sa pagbiyahe ng halos 500 kilo ng shabu gamit ang ambulansiya. Gayundin ang insidente noong Hunyo na isang dating Maguindanao mayor ang inaresto dahil sa pagdadala ng mga matataas na kalibre ng baril at P200,000 halaga ng iligal na droga.

SM food to go Banner Ad

“Illegal drugs operation is a lucrative business and we are not discounting the possibility that either some erring candidates would use this for fund-raising or the drug syndicates would offer campaign donations in exchange for protection once they are elected. Hindi natin papayagan ito kaya inatasan ko na ang ating PDEG at Intelligence Group na tingnang mabuti ang ganitong posibilidad,” sinabi ni Eleazar.

“Binabalaan ko ang mga kandidato na huwag mamuhunan sa iligal na droga sa kanilang kandidatura dahil ako mismo ang mag-e-expose sa inyo at mangunguna sa pagsampa ng disqualification at mga kaukulang kaso kapag nakakalap kami ng sapat na ebidensiya laban sa inyo,” dagdag ng PNP chief.(Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.