Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eleazar: Pulis-Tarlac na protektor ng droga sibakin

0 64

Ipinapatanggal sa serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang isang opisyal ng PNP sa Gerona, Tarlac matapos mabuking sa sideline bilang ‘protector of illegal drugs operations’ sa ikinasang buy-bust operation sa Tarlac.

Kasabay nito ang utos na magsagawa ng malalimang imbestigasyon laban kay Police Corporal Geymar Orquero, kung may iba pa itong kasabwat sa loob ng local police force na nagbibigay ng proteksyon at nagpi-finance ng illegal drugs operations sa Gerona at mga kalapit na bayan.

“Inatasan ko na ang RD, PRO3 na madaliin ang imbestigasyon para maumpisahan na agad ang pagsipa sa serbis­yo ni Corporal Geymar Orquero na nahuli sa isang anti-illegal drugs operations sa Gerona, Tarlac.”

Kasabay nito, sini­guro ni Eleazar sa pamamagitan ni PRO-3 director P/BGen. Val de Leon na madidisarmahan ang mga scalawag policeman at mananagot sa batas, kung saan patatalsikin sila sa serbisyo bilang pulis at sasampahan pa ng kasong kriminal.

“Hindi ako magdadalawang-isip na tanggalin sa serbisyo ang mga ganitong uri ng pulis, gaano man sila karami dahil nakakatiyak naman ako na sa laki ng suweldo ng mga pulis at sa ipinatupad nating agresibong reporma sa recruitment system, mas maraming mga mabu­buting pulis ang papalit sa kanila,” ayon pa sa hepe.

Si Orquero ay naka-assign sa Tarlac City Police Station, kinikilalang umano’y drug user at protector and financier kasama ang umano’y kasabwat na sina Marvin Gadia at Joel Umagat na kapwa umano’y drug pusher na nag-o-operate sa Gerona at Tarlac City at sa ilang kalapit na bayan. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.