Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eleazar: Tupada raid malilinawan sa NBI, PNP-IAS

0 228

Nanawagan si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar sa publiko na hintayin ang magiging resulta ng hiwalay na imbestigasyong ginagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Internal Affairs Service (IAS) sa pagkamatay ng isang 18-anyos autistic na tinedyer sa Valenzuela City.

Ginawa ni Eleazar ang apela matapos sabihin ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, base na rin sa isang saksi, na hindi umano nang-agaw ng baril sa pulis ang biktimang si Edwin Arnigo.

Sinabi pa ng alkalde na naniniwala umano ang saksi na aksidenteng nabaril ng pulis ang biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I don’t want to preempt the investigations being conducted on the case, particularly that of the NBI,” pahayag ni Eleazar kahapon.

Dagdag pa nito na tatanggapin nila ang magiging resulta ng imbestigasyon ng NBI at IAS.

Pinuri naman ni Eleazar ang saksi sa kanyang paglantad at pagbigay ng salaysay upang malinaw ang tunay na pangyayari sa pagkamatay ng binatilyo na naganap nitong Linggo ng tanghali sa isang tupada sa F. Dulalia St., Lungunan, Valenzuela City na sinalakay ng mga pulis. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.