Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eleazar wala pang plano magbalasa

0 178

Ipinahayag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na wala pang magaganap na major reshuffle sa hanay ng mga opisyal ng pulisya.

Aniya, wala pa sa kanyang isipan na mag-utos ng malawakang balasahan.

Ipinaliwanag ni Eleazar sa kanyang pagharap sa Laging Handa public briefing nitong Sabado na bagama’t may naging paggalaw sapul ng palitan niya si dating PNP chief Gen. Debold Sinas, maituturing aniya na

SM SuperKidsDay Banner Ad

“minimal” lang ito at nakabase sa pagreretiro ng mga opisyal.

“`Yon kasing sinasabi nating balasahan, or movement, kung merong nag-retire. Nung pag-retire kasi nun ng ating dating chief PNP na si General Debold Sinas, definitely malaking movement `yan, kasi nawala ang four stars, so merong isang umakyat,” sabi ni Eleazar

“Gaya ng sabi ko nga, kung kinakailangan, eh magkakaroon tayo ng movement. Pero hindi po natin nakikita ‘yon sa ngayon,” dagdag nito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.