Abante Tonite Interactive

Election gun ban simula na sa Linggo

311

Epektibo na ang gun ban simula sa Linggo, Enero 13 at magtatapos sa ­Hunyo 12.

Kasabay nito ay nilinaw kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na walang deadline ang pagtanggap ng application sa gun ban exemption kaugnay ng gaganaping May 2019 midterm elections.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, patuloy ang pagtanggap nila ng aplikasyon para sa Certifcate of Authority sa Comelec Committee on Ban on Firearms and Security Personnel (CBSFP).

Sinabi ni Jimenez na tumatanggap ng aplikasyon ang mga provincial officer ng Comelec ngunit dadaan pa rin sa main office sa Intramuros, Manila bago maaprubahan.

Nabatid na kapag nagsimula na ang gun ban ay hindi na maaring dalhin ng mga gun owners ang kanilang armas sa pampublikong lugar.

Kakasuhan ng election offense sa ilalim ng Omnibus Election Code ang mahuhuling violator. ()