Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Election officer tinumba sa Samar

0 44

Patay ang isang election officer nang tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin, Huwebes sa Catarman, Northern Samar.

Nakuha pang isugod sa Northern Samar Provincial Hospital ang biktimang nakilalang si James Maghanoy, 42, municipal election officer ng bayan ng Lope De Vega, subalit nasawi rin siya habang ginagamot dahil sa dalawang tama ng bala: tig-isa sa ulo at katawan.

Sa ulat ng Northern Samar PPO na ipinadala sa Camp Crame, naganap ang pananambang pasado alas-singko kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng national highway sakop ng Barangay Somoge, Catarman.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima at pauwi na sana sa kanilang bahay sa Barangay Cawayan nang ambusin siya ng hindi pa kilalang suspek at malapitang pagbabarilin.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi batid na lugar habang sinubukan pang isalba ang buhay ni Maghanoy at sinugod ito sa nabanggit na pagamutan subalit namatay din makalipas ang ilang minuto. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.