Abante Tonite Interactive

Election period simula na sa Linggo

209

Simula sa araw ng Linggo ay mahigpit nang ipapatupad ang gun ban sa buong bansa kaugnay ng pormal na pagsisimula ng election period para sa gaganaping midterm election sa Mayo 13, 2019.

“The start of the election period is the official start of election fever,” ayon pa kay Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez sa ginanap na press conference kahapon.

Magtatalaga na ng mga checkpoint ang Come­lec kontra sa pagdadala ng mga armas, kutsilyo at itak at iba pang deadly weapon.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi pa ni Jimenez na kailangang sa maliliwanag na lugar itayo ang mga checkpoint kung saan dapat ay nakasuot ng uniform ang mga pulis at may pangalan gayundin ang election officer na in-charge sa lugar.
Pormal na magsisimula ang campaign period sa Pebrero 12.

Samantala, wala pang desisyon ang Comelec kung ilalagay sa kanilang control ang bayan ng Daraga sa Albay kaugnay na rin ng pagpatay kay ma­yoralty candidate Rodel Batocabe.