Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Election website pinatigil sa survey

0 72

Inutos ng National Privacy Commission (NPC) na itigil ng website na Pilipinas2022.ph ang pagsasagawa ng survey para sa halalan sa susunod na taon.

Sinabi ng NPC kahapon na inisyuhan nito ng cease and desist order ang naturang website dahil sa maraming paglabag sa Data Privacy Act sa ginagawa nitong online survey para sa eleksiyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito’y dahil sa hinihingan muna umano ng naturang website ng buong pangalan, address at mobile number ang mga taong sumasali sa kanilang survey.

Dumulog na rin ang NPC sa National Telecommunications Commission (NTC) para tanggalin ang website at hindi na ito available kahapon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.