Abante Tonite Interactive

Electoral protest sa Maguindanao resolbahin na

287

Kinalampag ni Mayor Alfizzar ­Angas ang Commission on Elections (Comelec) na desisyunan na ang electoral protest na inihain ng kanilang kalaban at natalong mayoralty candidate noong May 2019 ­election.

Sa panayam radyo, inihayag ng alkalde na ­nalilito na ang kanilang mga kababayan sa ­Sultan sa Barongis sa ­nilikhang kontrobersya ng ­inihaing protesta ni dating ­Maguindanao Board Member Mamatanto ­Mamantal.

Nauna nang ki­natigan ng korte si Mamantal sa kinukuwestyong mga boto sa dalawang ­barangay doon.

Pinalagan naman ng kampo ni Mayor Angas at nasabing desisyon at ­humirit ng ­Temporary ­Restraining Order sa Comelec noong ­Disyembre 2019. Noong Pebrero 18, 2020, nagpaso na ang binigay ng ­Comelec ng 60 araw na ­injunction sa inisyung writ of ­execution ng korte.

Si Mayor Angas, ang nanalong vice mayor noong May 2019 election, ang humalili sa kanyang tiyuhin na namatay noong nakaraang taon dahil sa malubhang karamdaman.

Umaasa itong reresolbahin ni Comelec First Division head Commissioner ­Rowena Guanzon ang nasabing usapin. Giit naman ni Atty. Ronald Torres, legal counsel ng alkalde, na panigan ni Guanzon ang katotohanan base sa merito ng kaso.

Sa pagdining noong Enero, labis umanong napahiya si Mayor Angas sa ‘di inaasahang tanong ni Comm. Guanzon na umano’y wala namang kinalaman sa electoral protest.

Inusisa kasi ni Guanzon kung sangkot si ­Mayor ­Angas sa ‘second wave’ ng mga suspek sa ­Maguindanao ­massacre na nangyari noong Nobyembre 23, 2009. Pero giit ng alkalde, wala siyang kinalaman dito dahil 17-anyos pa lang sya noon at nag-aaral pa sa kolehiyo nang maganap ang natu­rang karumal-dumal na krimen.

Sa ­kabila nito, umaasa siyang ­magiging patas at parehas ang ­magiging desisyon ng ­Comelec First Division sa ­naturang electoral protest.