Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Electrician nagkabit ng solar light, nakuryente

0 301

Todas ang isang electrician matapos itong makuryente habang nagkakabit ng solar street light sa Barangay Dayanki, Burgos, Ilocos Sur noong Huwebes.

Kinilala ng Burgos Police Station (BPS) ang biktima na si Kevin Tadea, 19, ng Baran­gay Casili, Santo Domingo ng nasabing bayan.

Samantala, nakaligtas na­man ang kasamahan ng bik­tima na si Eljan Torres, 21, ng Poblacion, San Vicente.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report, ayon kay BPS officer-in-charge P/Lt. Dondie Pagalanan, bago maganap ang insidente, nagkakabit ng solar street light ang biktima at ang kasama nang aksidenteng nasagi ni Tadea ang linya ng kuryente ng Ilocos Sur Electric Company (ISECO) sanhi ng kanyang pagkakakuryente.

Agad na dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital ngunit siya ay dead-on-arrival dahil sa tinamong third-degree burn. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.