Abante Tonite Interactive

Electronic sports kinilala ng sportswriting community

210

Tatlong medalyang ginto mula sa anim na pinaglabanan ang iniuwi ng Pilipinas sa pamamagitan ng pinagsamang mga miyembro ng Team Sibol sa ginanap sa bansa sa nakaraang taong 30th Southeast Asian Games.

Malaki ang naging tulong ng national eSports team sa unang pagkaka­taon na isinagawa ang eSports para masungkit ng bansa ang pangkalahatang titulo sa kada dalawang taong paligsahan ng 11 bansa kaya naman kabilang ang mga miyembro ng koponan na bibigyan ng parangal sa taunang Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards 2019 Nights sa papasok na buwan sa Manila Hotel.

Pararangalan ang lahat ng mga atletang tumulong sa bansa sa pagwawagi ng SEA Games overall championship kasama rito ang mga nasa koponan ng DOTA2, Mobile Legend, Bang Bang at StarCraft.

Nasa DOTA2 sina Bryle Alvizo, James Guerra, Jun Kanehara, Van Jerico Manalaysay, Marvin Rushton, John Anthony Vargas, at Mc Nicholson Villanueva.

Bumubuo sa Mobile Legends: Bang Bang Phili­ppines sina Angelo Arcangel, Jeniel Bata-anon, Allan Castromayor Jr., Karl Nepomuceno, Carlito Ribo, Jason Torculas, at Kenneth Villa.

Nagsosolo naman si Caviar Napoleon Acampado alyas EnDerr sa eGames sa pamamayagpag sa StarCraft.

Kumupo ang PH electronic gamers ng 3 ginto at tig-1 pilak at 1 tanso upang tanghaling unang kampeon din sa SEAG eSports. Ikawala ang Thailand na may 2-2-0 habang ikatlo ang Malaysia na may 1-0-1.

Hindi pa man kinikilala na lehitimo ang eSports sa mundo ay isa nang tagumpay na kilalanin ang ating mga pambansang atelta ng mga manunulat sa komunidad ng sports.

***

Isang mahalagang paalala din po na mag-ingat po tayong lahat para sa ating kalusugan at proteksiyon lalo po ngayon na kakaiba ang nagaganap sa ating kapaligiran.