Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Electronic vote buying mas talamak sa 2022

0 46

Iginiit ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na mas dapat bantayan ng lahat ang vote buying at terorismo kaysa paghinalaan ang integridad ng mga vote counting machine (VCM) na gagamitin umano sa malawakang pandaraya sa Eleksiyon 2022.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, sinisiguro niya na hindi maha-hack ang mga VCM na gawa ng British company na Smartmatic dahil 99.96% itong accurate batay sa naging resulta noong 2019 midterm elections.

Aniya, wastong nabibilang ang mga balotang inihuhulog sa mga makina kaya’t hindi totoo na kaya itong palitan ng sinumang magtatangkang mandaya sa halalan.

Sa isang webinar na pinangu­nahan ng New Era University kahapon, sinabi ni Guanzon na aabot sa 107,345 VCM ang gagamitin sa 2022 elections na magmumula sa Smartmatic na siyang election system provider ng poll body simula noong 2010.

Ani Guanzon, ligtas laban sa anumang pandaraya ang mga makina kung kaya’t vote buying at banta ng terorismo ang dapat tutukan sa araw ng halalan.

SM food to go Banner Ad

Tatakutin aniya ang mga botante para sila mismo ang susulat sa balota habang idadaan naman sa e-wallet ang bayaran sa vote buying.

Tinatayang aabot sa 66.9 milyong Pilipino ang boboto sa Mayo 9, 2022 para pumili ng mga susunod na lider ng bansa.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Guanzon ang publiko na gawin nilang batayan sa pagboto ang plataporma ng mga kandidato at hindi dahil sa popularidad ng mga ito.

Giit niya, mas mainam na piliin ang magagaling at mata­talino kaysa sa mga sumasayaw lang na kandidato dahil tiyak na maasahan ang mga ito kapag may nangyaring krisis sa bansa. (Mia Billones/Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.