Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eleksiyon ng POC inaabangan

0 56

MAHIGIT 85 araw pa ang natitira subalit pinakakaabangan na hindi lamang ng mga opisyales ng mga national sport association kundi pati na rin mga concerned sports netizen ang nananatiling tahimik at walang ugong na eleksiyon sa Philippine Olympic Committee (POC) sa Nobyembre 30.

Isa si dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Aparico Mequi sa nakatutok sa magiging kaganapan sa pribadong ahensiya sa sports sa bansa na nakatakdang ihalal ang mga personahe na siyang mamumuno sa komunidad ng palakasan sa susunod na apat na taon.

“With barely 85 days to the November 30 POC election, it’s still not clear who will run for the presidency from among the following probable candidates: incumbent president Congressman Bambol Tolentino, Dr. Philip Ella Juico of PATAFA who narrowly lost to him in the last election,” sabi ni Mequi.

“Atty. Clint Aranas of Archery who earlier signified his intention to run, Cong Michael L. Romero of Polo, who has not one but two doctorate degrees, and Mayor Dr. Richard Gomez of Fencing.”

Lubhang naapektuhan ang mundo ng sports dahil sa paglaganap ng nakamamatay na coronavirus kung kaya naman nakatuon ang mga opisyales sa naging pagpapatakbo ng mga inaasahang magiging kandidato sa POC election.

“It’s what the person has done to his own NSA that can show what he or she can do for the Philippine NOC and Philippine sports as a whole. Aside from good governance in their own backyard, a consistent and credible program covering grassroots to elite level on their respective sport and not depending heavily on the government funding may be sufficient enough to say something better is in store for POC for the next 4 years,” sabi lamang ni dating national volleyball player at kasalukuyang National Univerisity athletic director na si Dr. Rustico “Otie” Camangian.

“Otie Camangian Para patas dapat tanggalan lahat ng government funding para magkaalaman kung sino kayang magpatakbo ng clubs and associations. Hanggang may pinamumudmod, kapit tuko pa rin lahat,” reaksiyon naman ni Mariano Sesdoyro. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.