Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eleksiyon ng POC sa Nobyembre 27

0 57

ISASAGAWA ng Philippine Olympic Committee (POC) ang itinakda nitong eleksiyon sa Nobyembre 27 na nakabatay sa kasalukuyan nitong Charter sa pagbuo kahapon ng election committee.

Ang election committee ay binubuo ni Atty. Teodoro Kalaw IV na mula sa Philippine Dispute Resolution Center bilang chairman kasama si dating IOC representative to the Philippines Francisco Elizalde at Chairman ng House on Youth and Sports Committee na si Valenzuela City 2nd District Congressman Eric Martinez.

Huling nakasama ni Kalaw IV sa eleksiyon ng PCO sina Letran Athletics Director Fr. Calvo at Abono Rep. Conrado Estrella, III.

Ang filing ng certificate of candidacy ay sa Oktubre 1-30 habang ang kampanyahan ay bubuksan simula Nobyembre 1.

Susulatan mismo ng POC sina Atty. Kalaw para sa muli nitong pagkakatalaga bilang EleCom chairman matapos huling nagsilbi sa labanan ng kasalukuyang pangulo ng POC na si Tagaytay City congressman Abraham “Bambol” Tolentino at Philip Ella Juico, pati sina Elizalde at House Sports Committee chair Martinez sa kanilang appointment.

Ang kasalukuyang charter pa rin ang susundin dahil walang naganap na approval sa mga amendment na nangangahulugan na walang age limit sa kandidato at pag-aalis sa silya sa executive board.

Isa sa qualification para sa POC Chairman atPresident ay nararapat na pangulon ng isang Olympic sport. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.