Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eleksiyon sa POC Nob 27 – Tolentino

0 34

Isasagawa ang face-to-face Philippine Olympic Committee (POC) elections sa Nobyembre 27 para sa bagong set of officers na magta-trabaho mula Enero 1, 2021 hanggang 2024 Paris Olympics.

Kahit may COVID-19, hindi practical ang magsagawa ng virtual elections, kaya naman napagkasunduan ng olympic body na gawing harapan ang botohan.

Ayon nitong Huwebes kay POC president at Cavite 7th District Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, gagawin ang halalan sa lugar na kayang i-accommodate ang 2,000 katao pero ipatutupad pa rin ang social distancing.

“We will strictly follow government protocols on social gatherings and secure the necessary permit from the IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) if needed,’’ saad niya.

Posibleng gawin ang pagtitipon sa Conrad Hotel ng Mall of Asia Complex sa Pasay City o sa kalapit na East Ocean Palace sa Parañaque City kung saan 51 national sports associations (NSA) ang mga boboto.

Isa sa mga kandidato sa pagkapangulo si Tolentino. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.