Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eleksyon 2022 payapa – PNP

0 47

Kumpara sa naganap na eleksyon noong 2016 at 2019, maituturing ng Philippine National Police (PNP) na “relatively peaceful” ang naganap na eleksyon ngayon 2022 dahil sa kakaunti lang ang mga karahasan na may kinalaman sa eleksyon.

“Overall, the entire 13-hour political exercise has been relatively peaceful in fair comparison with the national elections we held in 2019 and 2016, and due consideration of some isolated incidents of violence and disorder that marred the otherwise uneventful conduct of today’s national and local polls,” pahayag ni PNP Officec in Charge (OIC) Lt. General Vicente Danao Jr. sa press conference sa Camp Crame kagabi.

Sa ngayon ang pinaghahandaan ng pulisya ayon pa kay Danao ay ang post election incidents lalo na sa mga probinsya dahil sa awayan ng magkakalabang pulitiko. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.