Abante Tonite Interactive

Eleksyon sa national, local pinaghihiwalay

By
116

Iminungkahi ng isang kongresista na ihiwalay ang pagdaraos ng mga local poll sa national elections.

Ibig sabihin nito, hindi na pagsasabayin ang halalan para sa mga district congressmen at lahat ng local government elective position sa gagana­ping party-list at iba pang national elections.

Sa ganitong paraan, ayon kay Iligan City Rep. Frederick Siao ay mababawasan na ang nangyayaring gulo sa panahon ng eleksyon.

Bukod dito, iigsi pa aniya ang balota at pati na ang botohan at bilangan ay mas magiging mabilis.

“They can be held in the same year, but seve­ral months apart with the national elections in May and the locals in November or December,” mungkahi ni Siao na miyembro ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms.

Dapat aniyang mauna ang mga national poll para makatutok ang kampanya ng mga kandidato sa national interest issues.

“The filing of candidacies and campaign period for the local elections can begin in August and elections can be timed with the November or December holidays,” ayon pa kay Siao.