Abante Tonite Interactive

Elena Marie mala-trophy ang body

0 312

Sa halos 31 kandidata sa Miss Tourism Philippines 2019, Ang binibini mula sa Isabela na si Elena Marie Cabaltican ang nangu-nguna sa kaseksihan. Mala-trophy ang body.

Walang kaduda-duda, dahil sa tindig at postura niyang pang- beauty queen ay tinanghal siyang Miss Body Beautiful ng Miss Tourism Philippines
Malakas ang dating ni Miss Isabela, maliit na torso at mahahabang biyas ang nagpaganda ng hubog ng pangangatawan nito. Kahit na sino ay manlalambot sa maganda niyang ngiti at kutis-Iinay.

Marami ang namangha sa pagrampa niya suot ang kulay gintong swimwear na mas nagpakislap sa ganda niya.

Tiyak na maraming maglalaway sa kaseksihan niya lalo na sa grand coronation night ng Miss Tourism Philippines 2019 sa darating na July 28, 2019 sa Probinsya ng Aurora. (Ronaline A­vecilla)