Abante Tonite Interactive

Elenita Binay inabsuwelto sa furniture scam

By
12,039

Pinagtibay ng San­diganbayan Fourth Division ang naging hatol na pagbasura sa kasong graft ni dating Makati­ Mayor Elenita Binay na may kinalaman sa sinasabing overpriced na pagbili nito ng furniture para sa city hall.

Sa tatlong pahinang resolusyon na may petsang Nobyembre 7, igi­niit ng korte na hindi­ nila maaaring muling ikonsidera ang kanilang ibinabang hatol na hindi nalalagay sa double jeopardy ang dating alkalde at dalawa pa nitong kapwa akusado.

“From the constitutional guarantee against double jeopardy stems the finality-of-acquittal rule whereby a judgement of acquittal… is considered final, unappealable and immedia­tely executory,”­ ayon sa resolusyon.

Abante Hiring – IT dep

Bukod dito, ayon pa sa korte ay walang nakitang dahilan upang muli itong ikonsidera dahil lahat ng argumento ay masusing natalakay ng prosekusyon noong nililitis ang kaso.

Una nang iginiit ng prosekusyon na na­bi­go ang pamahalang lungsod na isailalim sa public bidding ang pagbili ng P13.25 mil­yong halaga ng panel partitions at furniture para sa city hall.

Sa halip ay bumili umano ang lungsod ng kagamitan noong Dis­yembre 1999 sa pamamagitan ng ‘repeat­ order­’ ng binili ng Set­yembre 1999 na inaward sa Office Gallery International, Inc.

“The court, however­, reiterated that the pro­secution was only able to raise ‘red flags’ in the September 1999 bidding under Purchase Order No. 9989 and ‘merely relied on suspicions which later turned out to be unfounded,’ ayon sa desisyon.