Abante Tonite Interactive

Elevated walkways kontra trapik inirekomenda

By
10

Inirekomenda ng isang senador sa Department of Transportation (DOTr) na magtayo ng elevated walkways para sa pedestrians sa EDSA upang hindi makapagdulot ng trapik sa kalsada ang mga tao.

Ang suhestiyong ito ay personal na ipinaabot ni Sen. Paolo Benigno ‘Bam’ Aquino IV nang magdaos ng public hearing ang Senate committee on public services nitong Miyerkules sa emergency power bill.

“Sana po may programa rin tayo for allowing our pedestrians to walk and ply EDSA. Nakita rin natin na marami po sa mga sumasakay sa public vehicles, short distances lang ang biyahe nila while in other countries, puwede pong laka­rin iyan,” giit ni Aquino.

Abante Hiring – IT dep

Naniniwala naman ang senador na papatok ang Skywalk dahil ligtas ang maglakad dito kaysa sa tabing kalsada kung saan maaari silang mahagip ng mga nagdadaang sasakyan.

“I believe that if we’re able to create safe areas for people to walk, tatangkilikin iyan ng ating mga kababayan,” diin ni Aquino.

Binanggit naman ni Sen. Grace Poe na isa sa naging hakbang ng bansang Thailand para maresolba ang problema nila sa trapik ay ang pagtatayo ng elevated walkways.