Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Elevator plano sa mga bus stop sa MRT

0 329

Plano rin umano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na lagyan ng elevator ang mga bus stop sa kahabaan ng MRT-3.

Ayon sa ahensya, malaking tulong para sa mga senior citizen, buntis at persons with dissability IPWD) kung matutuloy ang nasabing plano na kailangang paglaanan ng panahon sa pag-aaral at pondo.

Kasama umano sa mga planong gawin ng MMDA para maresolba ang problema sa trapiko sa Edsa ang paglalagay ng mga elevator sa mga bus stop pero may mga prayoridad pa sila na dapat tapusin.

Kabilang dito ang pagtatapos sa konstruksyon ng apat pang bus stop sa Edsa busway na kauumpisa pa lang aniya matapos silang makahingi ng clearance mula sa Department of Public works and Highway (DPWH). (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.