Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Elha bagong crush ng bayan

0 279

NI: ARCHIE LIAO

Viral ang ibinahaging photo ng dating The Voice Kids na si Elha Nympha sa kanyang Instagram account. Ibinandera niya ang kanyang katawan sa suot na swimsuit.

Ibang-iba na ang hitsura niya mula sa neneng-neneng nakilalala natin sa naturang singing competition ng ABS-CBN.

Matatandaang naging usap-usapan si Elha matapos niyang gulatin ang publiko sa kanyang transformation.

Inamin din niyang kinarir niya ang kanyang pagpapapayat. Mistula siya ngayong bagong crush ng bayan.

Samantala, hanggang ngayon, usap-usapan pa rin ang hiwalayan blues nila ng ex na si

SM SuperKidsDay Banner Ad

Brian Gazmen na isa ring singer.

Ang siste, tila hindi pa rin nakaka-move on sa kanilang breakup ang dalaga.

Parang kamakailan lang kasi nang isapubliko nina Elha at Brian ang kanilang relasyon

Naging laman ng showbiz news ang dalaga matapos aminin ng mang-aawit na si Brian Gazmen na hiwalay na sila ni Elha sa kanyang Tiktok account kamakailan.

Kasunod ng paglabas ng nasabing pagbubunyag ang tila isang pasaring na tugon ni Elha.

“Ay sad ka pala hahahah. Wag po tayong pa victim. Pwede ako magsabi ng totoo. Still using me pa rin? May pahabol. Dami likes and shares. Na ol na lang. The audacity,’ sey ni Elha.

Sa kaso naman ni Elha, marami ang nagsasabi na asikasuhin muna nito ang career kesa lovelife.

Leave A Reply

Your email address will not be published.