Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Elias panibagong buhay kay John Lloyd

0 79

NI: VINIA VIVAR

Humarap si John Lloyd Cruz sa isang one-on-one interview with MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chairperson Rachel Arenas para sa latest episode ng MTRCB Uncut YouTube vlog.

Marami silang napag-usapan na mostly ay tungkol sa pelikula. Pero at one point ay natanong din ni Chair Rachel ang tungkol sa personal life ni Lloydie which is ang pagiging ama kay Elias Modesto na anak nila ni Ellen Adarna.

Tanong ni Chair Rachel, “how did your life change nang dumating sa buhay mo ang anak mo?”

Napangiti si Lloydie and said, “ang ganda ng segue n’yo, Ma’m” sabay-tawa.

And he answered, “siyempre, ano, para kang nagkaroon ng bagong buhay.”

SM food to go Banner Ad

Sumunod na tanong sa kanya ay kung ano ang biggest dream niya para sa anak.

“Hindi ko alam kung big na ‘yun para sa akin, I’m sure ‘yung dreams niya will be so much bigger, no? Pero para sa akin, magawa niya lang ‘yung kung ano ‘yung talagang kumbaga ‘yung hangad ng damdamin niya or kung ano ‘yung gusto niyang gustong gawin.

“Kung gusto niyang maging astronaut, kung gusto niyang maging tambay, kung anon’g gusto niyang gawin. Kumbaga, susuporta lang ako,” pahayag ni Lloydie.

Natanong din sa aktor kung ano ang naramdaman niya nang hindi mabigyan ng franchise ang home network niyang ABS-CBN.

“Nagtaka, anon’g nangyari? Bakit nangyayari ‘to? Bakit sa ganitong panahon? And then ‘yung pagtataka mo would lead to even more questions pala, and then, makikita mo how big the picture really is,” he said.

Leave A Reply

Your email address will not be published.