Abante Tonite Interactive

Eligibility ni Clarkson sa World Cup, tinatrabaho pa ng SBP

0 348

wait lang mga beshie!

Tahimik pa ring tinatrabaho ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pag-apela sa International Basketball Federation (FIBA) na i-kategorya bilang local si Jordan Clarkson para makalaro sa Team Pilpinas sa 18th FIBA World Cup 2019 sa China.

Sa Philippine Sporswriters Association (PSA) Forum nitong Martes sa Amelie Hotel-Manila sa Malate, tiniyak ni Philippine Basketball Association (PBA) Chairman Ricky Vargas na ginagawa nila ang lahat upang mapapayag ang FIBA sa kanilang hiling sa kaso ni Clarkson.

“We are quietly working­ on it. SBP is quietly working with FIBA. We are quietly working and seeing to it that we can get Clarkson to the worlds, sabi ni Vargas, na siya ring pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC).

Kung maaapruba­han, tiyak na mas lala­kas ang komposisyon ng Team Pilipinas sa World Cup 2019 dahil andun din si naturalized player Andray Blatche.
Nasa Group D ang Pilipinas kasama ang Serbia, Italy at Angola.

Nakapaglaro na sa 2018 Asian Games ang 26-anyos na Fil-Am na player ng Cleveland Cavaliers sa National Basketball Association (NBA). Pero iba ang eligibility rules ng FIBA.

Kailangang naka­kuha na ng passport ang sinumang dual citizen na atleta bago sumapit ang edad 16 upang makapaglaro sa bansang nais nilang ­paglaruan.