Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Elisse ayaw layasan ang Star Magic

0 261

NI: MILDRED BACUD

Nanatili pa rin sa Star Magic si Elisse Joson kahit pa may mga tsikang baka lumipat siya sa ibang management tulad ng dating ka-loveteam na si McCoy de Leon.

Wala naman daw reason para umalis ang aktres dahil may mga naka-line up naman siyang projects sa Kapamilya network.

Bukod dito, pinapayagan din siyang gumawa ng projects sa iba.

Tulad na lamang ng digital series outside ABS, ang Beauty and the Boss na pagsasamahan nila sa kauna-unahang pagkakataon ng dating PBB ex-housemate, producer na si Gino Roque. Ipapalabas daw ito sa IFlix.

Balitang hindi lamang daw ito ang project na ibibigay ng young producer kay Elisse.

Samantala kapansin-pansin ang seksing post ni Elisse sa kanyang Instagram account. Nakasuot siya ng two-piece orange swimsuit . Hudyat na ba ito na maaari na siyang tumanggap ng mga daring roles?

Wala namang masama dahil may ipapakita naman siya . Given din naman na ang aktres ay may isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz.

Leave A Reply

Your email address will not be published.