Elisse, ermat nagkatampuhan kay McCoy

Sa mga larawan ni Elisse Joson sa kanyang Instagram account ay kapansin- pansin ang pag-gain niya ng weight at pagsusuot ng maluluwag na damit. May ilang netizen ang nagtanong kung buntis nga ba ito.
Chinat namin ang malapit kay Elisse at ang ina nito pero wala pang sagot.
Well, hindi naman imposible ang pag-gain ng weight ng tao lalo na sa mga artista na madalas ay nasa bahay lang muna dahil walang masyadong trabaho sanhi ng pandemic. May restaurant bar din si Elisse at may mga pagkakataong siya ang nagluluto.
Pero may napansin lang kami, may tampuhan kaya ang mag-ina dahil kay McCoy de Leon na matagal na raw nakabalikan ng anak? Tahimik kasi si doktora sa social media ngayon. Nakakapanibago dahil dati ay pala-post ito sa kaganapan ng anak.
Heaven nilagay sa alanganin ni Barbie
Laging nalalagay sa kontrobersiya si Heaven Peralejo. Una kay Jimuel Pacquiao, ngayon naman ay sinasabing third party involved sa hiwalayang Kiko Estrada at ex- girlfriend na si Devon Seron. Tinanggi na ng aktres.Nagtanong din kami sa aming kaibigan na malapit kay Heaven at pinabulaanan ang nasabing isyu. Wala raw pagkakataon na nakita niyang kasama ng aktres ang aktor.Magkasama lang daw talaga sa trabaho ang dalawa.
Sa dami namang namba-bash kay Heaven, nagbanta na ang ina nito na si mommy Luanne na kapag hindi pa tumigil ang nagpapakalat mg malisyosong balita na ito ay idudulog niya ito sa korte.
Pero ang nakakaloka ay galing pa sa mga co-stars ni Heaven tulad ni Barbie Imperial ang tsismis. Parang palaisipan na may bahid katotohanan ito.
Pinaratangan tuloy si Barbie na nakikisawsaw.
Katrina keber sa sustento ni Kris
Kung si Claudine Barreto ay naghahabol sa sustento ni Raymart Santiago sa dalawa nilang anak, iba rin si Katrina Halili.
Kung magbigay raw si Kris Lawrence ay magbigay at kung wala ay wala. Wala rin daw certain amount na obligadong isuporta si Kris. Hindi rin daw niya hinahadlangan ang pagiging close ng anak sa ama.
Hindi man daw madalas magkita ay madalas daw mag-usap ang mga ito via Zoom. Mabuti na lamang daw ay hindi nawawalan ng work si Katrina at naging sapat ang ipon niya.
Anyway, partner ni Allen Dizon si Katrina sa pelikulang AbeNida.Direcrted by Louie Ignacio under BG Productions.