Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Elisse hindi bilmoko girl

0 75

NI: ARCHIE LIAO

Tinanong ng intimate at personal question si Elisse Joson sa kanyang vlog. Idinirihe ito ng kanyang boyfriend na si McCoy de Leon.

Ani Elisse, iyakin daw talaga siya at mababaw ang luha sa tunay na buhay.

Madali raw kasi siyang maiyak kahit nalulungkot o natutuwa siya .May pagka-senti kasi siyang tao.

Tungkol naman sa mga bagay na nakapagpapasaya sa kanya, nangunguna raw dito ang panahong kasama niya ang kanyang pamilya, and of course, ang nobyo niyang si McCoy.

Mahilig din daw siyang mag-shopping pero contrary to public perception, hindi raw siya iyong klaseng “bilmoko” o matatawag na “high maintenance”.

Masaya na raw siya kapag naalaala o nareregaluhan kahit ng mga simpleng bagay.

Mas importante raw kasi sa kanya ang pagpapahalaga ng taong naalaala siya.

Isa raw sa mga pangarap niya na gustong matupad ay ang makapagtapos ng pag-aaral . Gusto niyang magkaroon ng titulo para maipagmalaki siya sa kanyang future family.

Dream din niya na maipagpatayo ng bahay ang kanyang mom na puwede nilang maging bakasyunan.

Hinggil naman sa kanyang karera, wish daw niya ay mabigyan pa siya ng matinding project kung saan mare-recognize ang kanyang galing bilang aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.