Abante Tonite Interactive

Elisse inisnab ang anniv ng mga McLisse fan

290

Kahit napabalitang buwag na ang love team nila ni Elisse Joson, sinabi ni McCoy de Leon na wala siyang bitterness na nararamdaman sa dating kapareha.

Katunayan, masaya raw siya kung sinuman ang makakasama ni Elisse sa anumang proyekto nito dahil hanggang ngayon, suportado pa rin daw niya ito.

Ayaw rin niyang magsalita nang tapos kung tuluyan nang na-disband ang team-up nila ni Elisse.

“Hindi ako ang makapagde-decide kung ano talaga, kasi hanggang ngayon, meron pang McLisse na nagti-tweet. Actua­lly, noong anniversary lang ng McLisse, secret ako na pumunta roon pero wala siya. Ako naman, gusto ko lang iparating na sinusuklian ko kung ano ‘yung binigay nila sa amin. Gusto kong ipakita ‘yung saya na ibinigay nila sa amin. Alam nila naman ‘yung puwedeng mangyari. ‘Yung makita lang iyong presence na lang, doon lang makaka­bawi at masusuklian,” paha­yag niya.

Si McCoy ay isa sa mga bida ng pelikulang “G” ni Dondon Santos. Opisyal itong kalahok sa ikatlong edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino na aarangkada na sa Setyembre. (Archie Liao)