Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Elisse lumarga kahit may Covid crisis

0 448

NI: MILDRED BACUD
Mukhang malabong magkasama na talaga sa trabaho ang dating magka-loveteam na sina Elisse Joson at McCoy de Leon.

Bukod sa nasa Viva na ang aktor maganda naman ang tinatakbo ng career ng aktres na nasa pangangalaga pa rin ng Star Magic.

Pagkatapos ng success ng IFlix series niya with Gino Roque, ang The Beauty and the Boss ay kakalipad lamang ni Elisse patungong Copenhagen, Denmark kasama ang ina na si Dra.Barbara. Magsu-shoot ng pelikula ang aktres kasama ang komedyana at bida na si Kaye Brosas under Mavx Production.May working title ito na Denmark movie.

SM food to go Banner Ad

Same production ito sa natapos niyang movie kasama sina Isabel Daza at Beauty Gonzales, ang “Izla” na wala pang playdate.

Sabi ni Elisse sa panahon na ito ng pandemic ay napakalaking blessing daw ang mabigyan ng ganitong opportunity in a different character naman.

Bawal pa raw ang turista sa Denmark pero dahil shooting at work ang pakay nila sa nasabing bansa ay nabigyan naman sila ng permit.’Yun nga lang ay mahigpit na kailangan ay magpa-swab at need ma-meet ang iba pang requirement.

Masuwerte nga si Elisse dahil kung ang ilang kasamahan sa Kapamilya network ay nawalan ng trabaho kaya napilitang lumipat ng ibang istasyon, ang aktres ay humahataw naman sa outside projects na ipinapaalam naman niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.