Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Elisse magku-quit sa showbiz

0 307

NI:MILDRED BACUD

Kahit nagsara na ang ABS-CBN ay nanatili pa rin naman ang Star Magic bilang manager ng karamihan ng mga artista ng Kapamilya network.

Isa na rito si Elisse Joson na mananatili sa kanilang pangangalaga.

Sa pamamagitan ng ina ng aktres na si Dra.Barbara ay kinamusta namin ito.

Okay rin daw sa Star Magic kung may offer na project sa ibang network.In fact magi-guest nga daw si Elisse sa TV 5. May bago din daw single si Elisse sa Star POP.

Masaya rin daw si Dra. na desidido na ang anak na tapusin ang pag-aaral at magtuloy na sa pagkuha ng medicine. Matatandaang last year ay sinabi ng aktres na gusto niyang sundan ang yapak ng ina.

For now ay abala si Elisse sa kanilang food business. Gusto rin niyang ipush through ang clothing business.

Ang tanong, sa mga bagong kaganapan na ito sa buhay ng aktres, tuluyan na kaya niyang talikuran ang showbiz?

Leave A Reply

Your email address will not be published.