Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Elisse natsismis na ‘buntis’

0 769

NI: ARCHIE LIAO

Natsitsismis na buntis ngayon si Elisse Joson.

Sa huling post kasi niya sa Instagram, ilang mga netizen ang nakapansin ng kanyang pananaba.

Ito rin ang suspetsa ng ilang tsismosa na nag-conclude na on the family way umano ang aktres.

Isang netizen na nagngangalang annknownthoughts ang deretsahang nagtanong sa aktres na:”Pregnant k din ba? Just like Sofia when she was abroad.”

Sumabad naman ang isa pang netizen na nagsabing tila nauuso sa mga artista tulad umano nina Sofia Andres at Janella Salvador ang mangibang-bansa para doon itago ang kanilang kundisyon at later ay surpresahin ang mga faney na nanganak na pala.

Sambit naman ni elisseinfinity:”Sana masagot na yung tanong nila @elissejoson kung totoo ba talaga o fake news.”

Wala pa namang reaksyon si Elisse tungkol sa isyu as of this writing.

Sinisikap ng Tonite na kunin ang panig ni Elisse para sa ikalilinaw ng isyu.

Ayon naman sa isang malapit kay Elisse, gumawa ng movie ang aktres with K Brosas sa Denmark kaya nag-abroad ito. Ang alam niya ay nakauwi na ito at gagawa pa ng teleserye. (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.