Abante Tonite Interactive

Elisse tinangging karelasyon si Jameson

499

After McCoy de Leon, sinasabing si Jameson Blake na raw ang ila-love team kay Elisse Joson. Pero hindi pa rin naman ito matutuloy dahil sa upcoming teleserye ng aktres, ang “Sandugo,” ay iba naman ang makakasama niya rito, sina Ejay Falcon at Aljur Abrenica.

Marami na rin namang projects si Elisse na napatunayan niyang kahit wala siyang ka-love team ay tuloy pa rin ang pagiging aktibo niya.

Mas maganda pa nga ang nangyayari sa career niya.

Pero hindi pa rin tumitigil ang tsikang mag-on na raw sina Jameson at Elisse. Bagay na tinanong mismo namin sa aktres sa opening ng isang resto bar.

“Hindi po talaga kami,” pagtanggi niya.

Hindi naman daw niya kinakaila na naging close sila dahil nagkasama sila sa seryeng “Ngayon at Kailanman” pero after that ay hindi na rin naman daw sila nagkikita.

“I invited him once po sa soft opening ng restobar namin pero ganu’n lang naman po.” (Mildred Bacud)