Abante Tonite Interactive

Elizabeth nabuking ni Azenith sa CCTV

5,091

Kahapon ay humarap ang da­ting aktres na si Azenith Briones para linawin ang issue tungkol sa kania ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa.

Naging issue kasi ang paglalabas ng video ni Azenith Briones sa Facebook na pagpapatunay umano na si Elizabeth ang kumuha ng alahas sa kanyang bag.

Kaya naman sinagot ito ni La Oro at sinabing alahas niya ang kanyang ninakaw.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa post ni La Oropesa (tawag kay Elizabeth) na deleted na ngayon, pinalalabas daw ni Azenith na nagnakaw siya gayung alahas daw niya ang kanyang kinuha. Kinuha raw niya nang walang paalam dahil nagalit siya rito dahil sinisiraan daw siya nito sa ibang tao.

Nang makatsikahan namin si Azenith kahapon, ikinuwento niya nang detalyado ang buong pangyayari.

Naganap daw ang insidente last April 9 nang maimbitahan siya ng kaibigang si Sarah Manilay na may-ari ng Golden Estate College University sa General Santos kung saan ay guest speaker daw si La Oro.

Kung paano napunta sa kanya ang dalawang piraso ng alahas (hikaw at singsing) ni La Oro, ani Azenith ay pinabebenta raw ito sa kanya ng aktres sa halagang P150,000. Ibinigay sa kanya ang alahas kinabukasan, June 10, sa GenSan pa rin.

After the event at makabalik na siya sa hotel, doon daw niya nadiskubre na nawawala sa bag niya ang alahas ni La Oro. Siyempre ay na-shock siya at dali-da­ling tinawagan ang aktres na nasa same hotel din at umiiyak na sinabi ang nangyari.

Ang sagot daw sa kanya ni La Oro, “don’t stress yourself, hindi kita pagbabayarin, hindi mo naman kasalanan.”

Kinabukasan ay nakita niya sa CCTV na si La Oro mismo ang kumuha ng alahas sa kanyang bag na ikinagulat daw niya talaga.

Tulad ng post ni La Oro, inaamin naman niyang siya ang kumuha ng alahas pero itinatanggi ni Azenith na sinisiraan niya ang aktres dahil never daw niyang ginawa iyon.

Ayon kay Azenith, gusto lang niyang lina­win ang buong pangyayari kaya siya humarap sa press. Wala naman daw siyang gagawing aksyon laban kay Oropesa at open din naman daw siya na makipag-ayos dito.