Abante Tonite Interactive

Ella inintrigang buntis

0 465

Balik-tambalan sina Ella Cruz at Julian Trono sa TV series na “A Not So Fake Love Story” ng Cignal TV kung saan nga ay may eksenang ikinasal sila. Ang nasabing wedding scene ay naging kontrobersyal at nag-viral nang i-post nila ito pareho dahil inakala ng mga tao na totoo ito.

Sa pocket interview ng entertainment press kay Ella kamakailan sa Viva office, natatawa na lang ang aktres sa naging feedback sa wedding photos nila ni Julian.

“Ang pinaka-negative lang pong comment na lumabas is baka raw buntis ako kaya nagpakasal,” natatawang sabi ni Ella. “Sabi ko, grabe naman ‘yung mga tao, bawal magpakasal. Pero ‘yun lang naman po, wala nang iba, eh. Parang lahat, they see weddings as happy. . .alam mo ‘yun, parang goal, siguro naman, lahat tayo.”

In real life ay wala pa naman daw sa isip niya ang magpakasal dahil 23 years old pa lang siya.

“Nagpapayaman pa po ako,” sambit niya.

Sa pagbabalik ng JulianElla, ani Ella ay thankful naman sila na nabigyan ulit sila ng chance na magsamang muli.

“Open naman po kami to do works individually, to do works na may ibang ka-love team, hindi naman kami ‘yung talagang official kailangang magkasama, ganu’n,” sey niya.

When asked kung ano ang real score sa kanila ni Julian, hindi na nakasagot si Ella at “we’ll see” lang ang nasambit niya.

Isa pang ikinatutuwa ngayon ni Ella ay ang pagkakapanalo niya bilang Best Supporting Actress sa Cinemalaya Film Festival 2019 para sa pelikulang “Edward”. Sa 10 years niya sa showbiz ay ngayon lang daw siya nakatanggap ng acting award kaya naman sobrang happy siya. (Vinia Vivar)