Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ella inisnab ang NU

0 193

Inisnab ni Ella Patrice Fajardo ang National University Lady Bulldogs sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa pagsang-ayon na sa United States National Collegiate Athletic Association (NCAA) Division 1 school Fairleigh Dickinson University.

Bigo si Gilas Pilipinas womens at NU coach Patrick Henry Aquino na mahikayat sa Bustillos-based squad ang 17-year-old, 5-foot-6 Fil-Am cagebelle sa kabila na nagkasama na sila sa dalawang kompetisyon ng Gilas Pilipinas womens squad noong isang taon.

Ito ay sa Ulaanbaatar 7th International Basketball Federation (FIBA) 3X3 Under -18 World Cup 2019 kung saan nag-quarterfinals finish ang ‘Pinas at sa Cyberjaya 5th FIBA 3×3 U18 Asia Cup for Girls 2019 na rito’y nag-bronze medal ang mga Pinay trio.

“I’m coming home to the next chapter of my academic and athletic journey at Fairleigh Dickinson University,” post ni Fajardo sa kanyang Facebook account kahapon. “It has been my dream to get a quality college education and be able to play at the Division 1 level!”

Nagtapos ang dalagita ng secondary school sa St. Bernard Knights na kumakampanya sa Northeast Conference Women’s Basketball Tournament na may 13.35 points, 2.85 assists, 2.5 rebounds at 1.42 steals average sa seniors. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.