Abante Tonite Interactive

Ella, tagapagmana ni Nadine

By
Julian Trono at Ella Cruz
10

KUMUSTA ang FanBoy/Fan Girl nina Julian Trono at Ella Cruz?

Is it also making a killing sa box-office?

Kung pagbabasehan ko ang mga pra­lala at premiere night photos, parang may fans sila na excited about the movie.

Sa totoo lang, make or break ito para sa dalawa. Kung ano man ang kapalaran nito sa takilya, ito ang makakapagsabi if this dancing duo has what it takes to be part of the major leaguers.

Si Ella — repackaged, revamped and revitalized na in so many ways. Tila ang publiko, hindi pa siya kayang yakapin at mahalin.

Sa pagsasama nila ni Trono, siya na ba ang heiress apparent ni Nadine Lustre?

Related Posts

Si Julian, who looks like and can dance like a KPop artist, hindi pwedeng ipagkaila na maruno ring umarte, napatunayan na niya ito sa mga indie films na ­Purok 7 at Ronda.

Sa ­Ronda nga, mapangahas ang role niya, bilang young ­closeted gay guy na nag-commit ng suicide.

Kung mahaharing uri ang pelikulang pinagbi­bidahan nila ni Cruz, pwede na nga bang kabahan si James Reid dahil nga ang papalit sa ­kanyang trono ay isang tunay na Trono?

Kamusta ba ang mga reviews sa pelikula? Ang diva that you love, wala pang binabasang reviews about it. Malaking bagay­ ang positive reviews, pati na rin ang word of mouth campaign para sa tagumpay nito.

Walang pagdududa ang diva that you love na kakasa sa hamon ang mga JulianElla supporters para patunayan sa lahat na siksik, liglig at umaapaw ang kikitain nito sa box office.

Hindi sapat ang pag-iingay sa inyong mga res­pective social media sites, dapat sugod kayo sa mga pinakamalapit na sinehan at punuin ang mga ito. Hilahin ang buong section niyo. Isama­ ang buong angkan.­ ­Hikayatin ang buong ­barangay!

Pigilan niyo ang pangyayari na baka sa Dis­yembre, ang Julian­Ella ang kauna-unahang love team na matiti­lihan sa You’ll ­Never Make It List. Huwag niyong hayaang mapoot si Lavinia ­Arguelles sa kanila, huh!