Abante Tonite Interactive

Ellen 7 taon pa bago balik-showbiz

790

Tinapos ni Ellen Adarna ang mga espekulasyon na magbabalik showbiz ito makaraan ang ilang taon pagpapahinga rito.

Gusto muna kasi ng sexy actress na magpokus sa pagpapalaki sa anak nila ng dating partner na si John Lloyd Cruz.

Sa interview sa kanya ng RX93., pinaliwanag ni Ellen na hindi pa ito magkakaroon ng comeback sa showbiz.

Pero aniya, hindi naman niya iniisip na tuluyang talikuran ang showbiz. Sinisiguro niya na hindi pa siya makakabalik sa susunod na 7 taon.

Paliwanag niya, gusto umano niyang mabantayan ang paglaki ng anak.

Hinimok naman siya na magkaroon ng sarili nitong YouTube channel para masubaybayan pa rin ng mga follower niya, pero tumanggi si Ellen dahil gusto umano nito na hindi ma-pressure at magpokus din sa sarili.

Posible umano ito sa susunod kapag medyo mas malaki na ang kanyang anak na ngayon ay magdadalawang taong gulang pa lang.

Kung matatandaan, 2017 nang umalis sa showbiz at manahimik sa social media si Ellen kasama ang napabalitang boyfriend na si Lloydie. (AMF)

Tonite – Wendys Inhouse Ad