Abante Tonite Interactive

Ellen Adarna kinasuhan ng child abuse, cybercrime

By
3,652

Sinampahan na kahapon ng mga kasong child abuse at cybercrime ang aktres na si Ellen Adarna ng ina ng 17-anyos na dalagita na inakusahan niya na kumuha ng video sa kanila ni John Lloyd Cruz habang kumakain sa isang ramen restaurant sa Makati City.

Nabatid na isinampa ni Myra Abo Santos sa Pasig City Prosecutor’s Office ang mga kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nag-ugat ang kaso nang i-post ni Adarna sa Instagram noong Mayo 4 ang kuha niyang video sa anak ni Santos na inakusahan ng aktres na kinukuhanan siya ng video habang kumakain sa ramen restaurant.

Iginiit naman ng dalagita na ang kanilang pagkain ang kanyang kinukuhanan at hindi si Adarna. Sinabi pa ng dalagita na hindi niya kilala ang aktres.

Ikinagalit ni Ginang Santos ang ginawa ni Adarna sa kanyang anak at nag-post sa Facebook ng mensahe para kay Adarna.

“We are reaching out to you to let you know how deeply hurt we are by the unneeded stress and unwanted attention you caused after you uploaded a photo and video of her on Instagram, without any consent from us,” sabi ng ginang sa kanyang FB post.

“My family and I have begun seeking legal assistance. As advised by our lawyer, we are now writing this letter. As her family, we ask you to publicly apologize to Eleila. We prefer not to take this further, but as our only daughter, we are ready to take this wherever needed to protect her integrity,” nakasaad sa open letter.

Batay diumano sa sinabi ng kanilang abogado ay mayroong limang araw si Adarna para tumugon sa kanyang liham.

“Should you fail or refuse to do so, we will not hesitate to take the appropriate legal actions necessary under the circumstances, to protect and uphold the best inte­rest and welfare of our 17 year old, Eleila A. Santos,” huling bahagi ng FB post ni Ginang Santos.

Sa kabila nito, wala pa ring sagot o dedma lang si Adarna sa open letter ng ginang. Wala ring sagot o reaksyon na narinig mula sa aktres kaugnay sa isinampang mga kaso laban sa kanya kahapon.