Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ellen, Andrea hiniritan ng showdown

0 26

NI: ARCHIE LIAO

Pinag-uusapan ang bagong vlog ni Ellen Adarna na patok sa mga netizen.

Lab nila ang pagiging walang kiyeme at natural ng actress.

Sa kanya namang Instagram stories, ginulantang niya ang mga netizen sa kanyang kakaibang talent.

Mega show kasi siya ng kanyang acrobatic stunts habang binabali ang kanyang katawan.

Marami ang napabilib sa amazing flexibility skills.

Sey nila, wala raw bang buto si Ellen at keri nitong i-flex ang kanyang muscles na parang uod.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Para raw itong showgirl sa karnabal na sanay sa acrobatics.

Dahil sa ipinakitang ito ni Ellen, hindi maiiwasang maurot ng ilang bitchy netizens ang ex ng kanyang fiancé na si Andrea.

Anila, kailan daw naman kaya magkakaroon ng kanyang Youtube channel si Ada para tapatan si Ellen.

Kelan daw, ipi-feature ng Kapuso actress ang kanyang galing sa paggiling sa kanyang Instagram stories.

Public knowledge naman na magaling ding sumayaw si Andrea.

Pero, kumbaga sa sabungan, hindi maiwasan na may gustong mag-Kristo para magkaroon ng showdown ang dalawa.

Kung paseksihan ang labanan, sino kaya ang kakabugin at mangangabog?

Leave A Reply

Your email address will not be published.