Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ellen ayaw ng wedding gown

0 357

Inamin ni Ellen Adarna na hindi siya iyong tipong desperado sa paghahanap ng lovelife.

Katunayan, kuntento na raw siya sa kanyang buhay sa piling ng kanyang anak na si Modesto Elias.

Happy na raw siya sa kanyang estado bilang unmarried woman pero nang dumating si Derek, mas napanuto raw siya.

Sa tanong naman kung ano sa kasiguruhan niya sa pagpasok sa relasyon kay Derek, kumpara kay Lloydie, aniya, isa raw dito ang connection.

Mas open daw ang kanilang komunikasyon ni Derek.

Timing din daw na dumating si Derek sa panahong inaayos niya ang sarili sa lockdown.

Marami raw kasi siyang naging realization sa pandemic.

Kung dumating daw siguro si Derek five years ago, marahil ay hindi raw sila magiging magdyowa dahil iba ang mindset at level of maturity niya noon.

Speaking of their wedding, ayaw raw niyang magplano tungkol dito.

Katunayan, marami nga raw mga kaibigan at mga kakilala niya ang hindi makapaniwala na magpapatali na siya kay Derek.

Sey pa niya, ayaw rin niyang magsuot ng wedding gown dahil hindi siya kumportable rito.

Wala pa rin daw silang kongkretong plano tungkol sa mga detalye ng kanilang kasal.

Derek ‘di pera ang habol sa dyowa

Kibit-balikat na lang ang reaksyon ni Derek Ramsay sa mga nag-aakusa sa kanyang pera lamang ang habol niya sa sexy actress na si Ellen Adarna na mula sa prominenteng pamilya.

Ayon sa panayam sa kanya ni G3 San Diego, hindi na raw siya bothered sa mga opinyon ng mga tao.

Nilinaw rin niya ang impresyong siya raw ay non-marrying type.

Aniya, siya man ay naa-amaze kung paano siya tinamaan ng Kupido kay Ellen.

Kinunsulta pa nga raw niya ang kanyang ina bago mag-propose kay Ellen.

Pati raw ang kanyang anak na si Austin ay nagbigay ng basbas sa kanyang marriage proposal sa fiancee.

Bagamat wala pang date, ang kasal daw nila ay mangyayari ngayong taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.