Abante Tonite Interactive

Ellen binara ang tsismosa sa anak

1,366

NI: RONA RONDA

Ginisa ni Ellen Adarna ang isang netizen na sumobra na ang pagiging demanding na malaman ang personal nilang buhay.

Sa recent Instagram post ni Ellen, nagkomento ang isang netizen. Aniya, “How old is your child with jl? Why u dnt post about it?”

Hindi na nakapagpigil ang actress-model at sinopla ang netizen.

Aniya, “His father and i are protecting him and his privacy from chismosas like you.”

Samantala, hindi naman lahat ay natuwa sa birada ng aktres. Hindi naman umano kinakailangan pang sagutin ang tanong ng netizen lalo na at normal naman ito sa social media.

Komento ng ilang mga netizen,

“Gawin mong private ‘yun social media accounts mo mas credible pa yang sagot mo otherwise chusera ka lang.”

“Anyare sa mental keme training ni girl. Nag snap out na yan palang tanong.”

“Kaya nga Siguro iba ang takbo ng utak. Not being mean or bashing her mental problem but it would probably be best for her mental health to stay away from social media and the limelight. If she needs validation of her beauty, both inner and physical, your loved ones and family can be your best backbone for that not social media.”

“Get off social media para di ka matanong! Eh sobrang attention seeker ka din eh.”

Tonite – Wendys Inhouse Ad