Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ellen bumitiw na kay Hyun Bin

0 305

“Ellen Adarna lang malakas!”

Bulalas ito ng isang netizen na nakasaksi sa tugon ni Pinoy actress Ellen Adarna sa tanong ng isa nitong Instagram subscriber.

Sa kanyang IG story, nanghingi ng tanong si Adarna sa mga netizen dahil bored daw siya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isa sa mga tanong sa kanya, sa wikang Cebuano, ay “Confirmed nang dine-date ng kanyang oppa na si Hyun Bin si Son Ye Jin. Sino na bago mong oppa?”

Sa kanyang video reply, binida ni Ellen ang kanyang Christmas tree na may mga nakasabit na larawan ng iba’t ibang South Korean celebrity.

“Nakikita mo ‘yang ‘oppa tree’ ko, day? Napakaraming oppas. Mamimili na lang ako kung sino pang available,” aniya sabay tawa.

Benta sa mga Pinoy netizen ang sagot ni Adarna. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.