Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ellen, Derek nagpaboso sa IG

0 639

ROMMEL PLACENTE : Wala talaga akong masabi sa magkarelasyong Derek Ramsay at Ellen Adarna. Talagang palaban sila

Sa latest Instagram post kasi nila,si Derek ay nag-picture siya na kita ang puwet habang nagsa-shower. Kuha ito ni Ellen.

Siyempre,enjoy ang mga follower ng aktor lalo na ang mga bading .May isang netizen nga na nag-comment na sana raw ay makita ng buo ang ibong adarna. ‘Yung isa naman,ang sabi,’Humarap ka kapag kinakausap kita’ .

O, di ba parang sinasabi nila,gusto nilang makita ang birdie ni Derek.

Kamakailan, si Ellen naman ay nag- post din ng photo na halos kita ang boobs.Skin tone ang kulay ng manipis niyang bra na suot .

Naloloka ang mga netizen na may kuha ang aktres na ganoon.

Mga ka-Cuatros, hindi na sana sila nagpo-post ng mga ganung picture dahil may mga anak na sila.

Paano kung makita ng mga dyunakis nila ang picture nila? Siguradong magugulat sila at mapapaisip kung bakit ginawa ‘yun nina Derek at Ellen.

RODEL FERNANDO: Well, hindi natin alam kung ano ang drama ng dalawa. Nagpapansin ba sila o sadyang wala lang silang magawa.

Related Posts

Pero in fairness, dahil sa mga pinaggagawa nila ay pinapansin sila ng bonggang-bongga. Kahit sabihin na puedeng nagluluka-lukahan lang sila.

After all, Derek is Derek and Ellen is Ellen sabi nga.

At aminin natin mga ka – Cuatros totoo ang sinabi mo Rommel na maraming nagkagusto sa mga post nila sa kanilang mga Instagram account. Sa true lang maraming girls lalo na mga kabadingan ang naelya sa hubot-hubad na picture ni Derek na kahit nakatalikod ay pang-romansa espesyal. Lalaking-lalaki ang tindig niya na swak pa ang kanyang morenong balat. Hitsurang Adonis ang kanyang dating.

Kay Ellen naman, siguradong naglaway ang mga kalalakihan dahil kita na ang kanyang kahubdan. Ang alindog niya ay nakakaakit kasama pa ang flawless niyang balat. Batikusan man sila sa kanilang ginawa ay for sure marami silang napasayang Eba at Adan pati ang mga nasa Ikatlong Lahi.

MILDRED BACUD: What’s new for Ellen and Derek. Kaya siguro sila nagkakasundo, pareho sila ng trip. Nasasakyan nila ang isa’t isa. Hindi na rin sila apektado sa mga basher.

Naalala niyo nga ka- Cuatros nung sila John Lloyd Cruz at Ellen pa, may mga post din na parang di mo aakalain magagawa ng aktor like yung halos nakahandusay na sa sahig sa sobrang kalasingan. Nawalan sila ng pakialam sa sasabihin ng tao. Hindi magandang tingnan for the public but as celebrities ker na nila sa kanilang image. Same goes to Derek. Honestly nasosorpresa pa rin ako sa pinapakita ng aktor.Kasi hindi naman siya ganito ka-wild nu’ng sila pa nina Cristine Reyes, Angelica Panganiban at Andrea Torres. Depende talaga sa babae para sa akin.

ROLDAN CASTRO: Hello 2021 na tayo. Keber na kung ano ang trip nina Derek at Ellen. Liberated silang tao.Malalaki na sila kaya wapakels na kung ano ang gusto nilang gawin.

Kung diyan sila enjoy, e, di wow!

Sure naman ako na mas marami ang natuwa sa mga pasilip nila sa Instagram.

Babush!

Leave A Reply

Your email address will not be published.