Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ellen, Derek naudlot ang honeymoon

0 259

Viral ang ginawang pag-apologize ng nanay ni Ellen Adarna sa anak at sa mister nitong si Derek Ramsay kamakailan.

Sa gabi kasi mismo ng kasal ng mag-asawa, sa kuwarto nina Derek at Ellen ito natulog.

Kinumpirma mismo ito ni Ellen sa kanyang Instagram account.

Dahil dito, ilang netizens ang nagsabing

napurnada raw ang honeymoon ng bagong kasal.

Ito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizen sa nasabing ganap.

“Bakit naman anong ginagawa ni Ellen at need pa mamagitan ni mudra?”

“Well, it’s not as if she’s spoiling anything. Matagal na nakapag honeymoon sila Derek and Ellen, hahahah”

SM food to go Banner Ad

“First night nila ni Ellen, outside the kulambo si Derek dahil sa mudra.Hahaha”

PBB housemate ‘hinipuan’ ng young actress

Takaw kontrobersya ang actor, Kumu streamer at Star Magic artist na si Eian Rances sa Bahay ni Kuya.

Usap-usapan ang panibagong video na nag-circulate sa social media. Nabigyan ng kulay ang umano’y patagong ‘hipo’ sa kanya ng isang young actress sa PBB.

Matatandaang dati na ring pinag-usapan si Eian dahil sa kontrobersya sa kanila ni Brenda Mage sa PBB season 10 kumunity edition.

Sa naturang video clip, nag-viral ang umano’y “tuloy o tigil” dare ni Brenda. Ito rin ang dahilan kaya maraming netizens ang nag-react. Bet nilang ipa-evict noon si Brenda for inappropriate behavior na nakakabastos diumano kay Eian.

Pansin naman ng ilang kibitzers, mainit din ang mga mata ni Albie Casino kay Eian dahil ilang beses na niya itong ni-nominate para ma-evict.

Leave A Reply

Your email address will not be published.