Abante Tonite Interactive

Ellen ‘di naghahabol ng sustento kay John Lloyd

670

Ni Ronaline Avecilla

Bagama’t marami ang nakaka-miss sa aktor na si John Lloyd Cruz, happy na rin ang kanyang mga tagahanga sa pamamahinga nito sa showbiz. Naintindihan nila ang pagbuo niya ng sariling pamilya.

Pero kalat na ngayon na hiwalay na umano sila ni Ellen Adarna.

Matunog ang tsika na taas-noo si Ellen na palakihing mag-isa ang anak kahit walang tulong umano mula kay JLC.

Kung sustento lang naman kasi ang pinag-uusapan, kayang-kaya na buhayin ni Ellen ang anak dahil nagmula siya sa marangyang pamilya.

Pero ayon sa source, hindi papayag si Lloydie na hindi matulungan ang anak kahit magkalayo man sila ni Ellen.

Anyway, mahalaga sa aktres ngayon ang welfare ng kanyang anak kahit mabuhay umano siyang single mom.