Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ellen ‘di type si Derek

0 1,119

Hindi namin alam kung seryoso o nagbibiro si Ellen Adarna nang diretso niyang sabihin na hindi niya type si Derek Ramsay. Sinabi niya ito sa Instagram page ng aktor mismo.

Nag-post kasi si Derek sa kanyang IG ng kanyang larawan na naka-close up ang kanyang mata at sa caption, he wrote, “Hmmmmmmmmmmm????? #ilikeyoureyes.”

Sumagot si Ellen sa comment section ng “Makuha ka sa tingin and pick-up lines pak!”

Tila may sumagot na netizen at tinawag siyang “malandi” na deleted na ngayon at ang makikita na lang ay ang sagot ni Ellen. Sinagot niya ang basher at dito nga niya sinabing hindi niya gusto si Derek.

“Actually, ‘di man si Derek ‘yung gusto ko…parehos kami ng gusto ni @galibearstravel ‘yan talaga ‘yung totoo kaya ‘wag kana ma-strong jan,” reply ni Ellen.

Sumagot naman si Derek ng “ayokong ishare si @galibearstravel akin lang sya @maria.elena.adarna.”

Sagot naman ni Ellen, “@ramsayderek07 may the best man win.”

Kinilig ang mga netizen sa sagutan ng dalawa at tingin nila, “flirting with each other” sina Derek at Ellen. May mga nag-comment din na bagay sila.

Sagot naman ni Derek sa “flirting” comment, “stay single muna.”

As we all know ay kabi-break lang ni Derek sa Kapuso actress na si Andrea Torres habang si Ellen naman ay matagal nang hiwalay kay John Lloyd Cruz na ama ng kanyang anak na si Elias.

Leave A Reply

Your email address will not be published.