Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ellen wapakels kung iwan ni Derek

0 211

Nagkaroon ng question and answer portion si Ellen Adarna sa kanyang avid followers sa Instagram . Sinagot niya ang ilan sa mga tanong sa kanya ng kanyang mga faney.

Isa sa mga question na naitanong sa kanya ay kung nagchi-check daw ba siya ng messages ni Derek Ramsay sa cellphone nito.

Wala namang kagatul-gatol na sinabi ng Cebuana-born actress na never niya itong ginawa kahit kailan.

Kahit daw sa mga ex niya ay hindi niya nakaugaliang gawin ito.

Ugali lang daw ng psycho o praning ang pagtse-tsek sa communication ng isang ka-partner.

Para sa kanya, nakakabawas din ng ganda ang pagiging insecure.

Ibig sabihin, confidently beautiful siya na hindi siya magagawang ipagpalit ni Derek sa iba.

Emote pa niya sa kanyang Instagram: “Reminder girls ayaw pagpaka-ugly-psycho-b—-tch!#Gwapako year two!”

Matatandaang sa isang panayam, sinabi ni Ellen na ang isa sa mga dahilan para iwan niya si Derek ay kung magloloko ito.
Hirit niya noon sa kanyang sagot; “Gwapa ko,’Day. Kung magloloko siya, goodbye.”

Sunshine bumeso sa maling tao

Samu’t-sari ang reaksyon ng nga netizen sa naging rebelasyon ni Sunshine Dizon nang makapanayam siya ng hosts ng Magandang Buhay kamakailan.

Ani Sunshine, isa raw sa dating ugaling kinaiinisan niya ay ang pagiging mali-mali.

SM food to go Banner Ad

Siya raw kasi ang tipo ng tao na mabeso sa kanyang mga katrabaho.

Ilang beses na rin daw siyang napahiya kasi minsan dahil sa pagiging overly expressive at impulsive, ang nabebeso raw pala niya ay maling tao.

May mga pagkakataong nagkakamali raw siya sa pagkakakilanlan sa mga ito.

Aminado raw naman siyang malabo ang mga mata niya at dahil dito, ilang beses na raw siyang may na-approach na maling tao.

Pero ngayon daw ay maingat na siya sa mga binabating tao kapag may mga okasyon.

Tungkol naman sa mga eksena ng sampalan sa pelikula at telebisyon, natutunan daw niya ang tamang technique sa yumaong beteranong actor na si Eddie Garcia.

May tamang tiyempo raw pala ito at kinakailangan ng blocking o tamang pagbilang para hindi lumagapak sa sasampalin.
May isang eksena raw siyang hindi malilimutan sa isang pelikula kung saan nagkapisikalan sila ng co-actor na si Albie Casino.

Totoo raw na nasampal niya si Albie at kasalanan daw ito ng kanyang director na si Direk Joel Lamangan.

Sinabihan daw kasi siya ng award-winning director na totohanin ang sampal dito.Dahil naging masyado siyang emosyonal at nadala sa eksena ay lumapat mismo sa pisngi ni Albie ang kanyang tumataginting na sampal.

After the scene, natigagal daw si Albie at hindi na nito nagawang magpaalam sa kanya.

May mga nang-uurot nga raw na ilan na iwasan siya kapag kaeksena dahil masyado raw mabigat ang kamay niya pagdating sa mga ganoong klaseng confrontation scenes.

Hirit pa niya, marami na rin daw siyang nasampal na iba pang katrabaho pero humingi raw naman siya ng paumanhin after the takes

Leave A Reply

Your email address will not be published.