Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ellen inamin ang tililing

0 43

Nakatikim ang basher na nagkomento ng hindi maganda kay Ellen Adarna sa latest Instagram post nito. Nag-post kasi ang aktres ng video niya na kumakanta habang nagpi-piano na actually ay okay naman.

Pero mukhang hindi ito nagustuhan ng isang netizen at nag-iwan ng harsh comment.

“Ewan ko ba ang tingin ko ky ellen parang my tililing,” komento ng basher.

Buong ningning namang sumagot si Ellen at inaming may tililing talaga siya.

“Meron talaga akong tililing. Ewan ko lang bakit tingin mo lang, tignan mo nalang mabuti. Di ko naman dinedeny,” she replied.

Natawa ang mga netizen sa sagot ni Ellen at pinuri ang aktres kung paano sumagot sa basher. Ang iba’y nagkomento pa na love nila ang aktres for being herself. Sey pa ng isa, hindi bale nang may tililing maganda naman.

In fairness to Ellen, noon pa naman niya inamin talaga na nagkaroon siya ng mental health issues pero na-overcome na raw niya ito at ngayon ay okay na okay na raw siya.

Julia natutong mag-enjoy sa buhay

Bata pa lang ay breadwinner na ng pamilya si Julia Montes kaya maaga raw siyang naging seryoso sa buhay. Pero ngayon daw ay natuto na siyang i-enjoy ang buhay. Ito ang ibinahagi niya vlog ng kaibigan niyang si Dimples Romana.

“Ever since seryoso talaga ako. Recently lang ako naging fun. Kasi siguro natuto na ako na i-enjoy ang life,” aniya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dati raw ay talagang sinasabi ng lola niya ang mga kailangan niyang gawin.

“Kasi before open talaga si Lola na sinasabi sa akin na ‘kapag ‘di mo ito ginawa, wala tayong ganito, pambayad natin ito sa sa ganito, so kailangan gawin mo ito.’ Kasi before sobrang mahiyain ako,” aniya.

Pero dahil nga sa maaga siyang nagtrabaho, maaga rin niyang nakita ang kahalagahan ng pera especially kapag pinaghirapan talaga.

“Alam ko lagi na itong sinasabi kapag nagtatrabaho na ang isang tao or minsan kapag bata ka maririnig mo ‘naku kapag lumaki ka na kapag nagtrabaho ka na maiintindihan mo kami.’

“Pero totoo siya. Minsan kahit alam mo na ‘yon, nakakalimutan mo ang worth ng money kasi nai-excite ka.

“Pero ang totoong meaning ng money especially now na nagka-pandemic, lalo mong pinahalagahan ‘yung every centavo na ini-earn mo… May importansiya siya at hindi lahat ng tao ay blessed na nabibigyan ng opportunity or job lalo ngayong pandemic,” she said.

And because of the pandemic, mas lalo pang lumawak ang realization ni Julia tungkol sa buhay. Aniya, ‘yung gumising lang daw araw-araw na walang sakit ay isang blessing na.

“Hindi kasi minsan maiiwasan na nalulungkot tayo, nadadala tayo ng negative na nangyayari. Pero one blessing for me na nangyari dahil sa pandemic ay nakita ko ang simpleng bagay na madalas nakakalimutan nating mga tao. ‘Yon ‘yung gigising ka sa umaga na wala kang sakit. Gigising ka sa umaga na ‘yung pamilya mo ay kasama mo.

“’Yun ang pinaghawakan ko na bakit ko titingnan ‘yong magiging cause ng anxiety ko, ng lungkot ko, kung mayroon naman akong kakapitan which is ‘yong family ko?

“At the end of the day, doon mo mare-realize na ‘yong love mo with your family, your loved ones, ‘yon ang magiging strength mo para malagpasan ang problems, kahit anong problems ‘yan. Sila ang magiging anchor mo,” pahayag ni Julia.

Leave A Reply

Your email address will not be published.